MARVIN JAY P. TABLANG
BSED3-4
EDSA Revolution of 1986
The 1986 EDSA People Power Revolution (also known as the EDSA Revolution, or People Power) was a four-day series of non-violent mass demonstrations that toppled the Marcos dictatorship and installed Corazon Aquino as president in 1986. The revolution, which ran from February 22 to February 25, was considered as the forerunner of nonviolent demonstrations around the world such as those in Eastern Europe.
The revolution was named after Epifanio de los Santos Avenue or EDSA, where the majority of the protests took place. It is also known as the Yellow Revolution, after Aquino's campaign color.
Beginnings of unrest – the late 1960s to the First Quarter Storm
The seeds of unrest that eventually bore the People Power Revolution were planted in the mid to late 1960s. President Ferdinand Marcos was elected president in the elections of 1965, winning against incumbent Diosdado Macapagal by a slim margin. Marcos' first term was marked by one of the largest infrastructure programs the country has ever seen. He was reelected in 1969, the first president to be elected for two consecutive terms.
However by the late 1960s to the early 1970s, discontent among the people started to grow, starting with the involvement of the Philippines in the Vietnam War and the general dissatisfaction of the public over their quality of life. Soon, movements were established such as the Communist Party of the Philippines in 1968 (which took over the cause of the old Partido Komunista ng Pilipinas) and its alliance with the New People's Army (which came from the old Hukbong Mapagpalaya ng Bayan) in 1969.
When news broke out that Marcos planned to amend the constitution, allowing him to run for a third term in the presidential elections of 1973, student-led protests erupted in the streets, in what has since become known as the First Quarter Storm of 1970. Later, student movements also led the Diliman Commune of February 1971. Despite the violent protests, the Constitutional Convention still convened in June 1971.
1971 – 1981: Plaza Miranda, Enrile's “Assassination,” and Martial Law
The political situation turned for the worse as two hand grenades exploded at the miting de avance of the Liberal Party (LP) just before the senatorial elections of 1971, injuring some of their candidates such as Jovito Salonga and Gerardo Roxas. In response, Marcos suspended the writ of habeas corpus; however another spate of bombings in the metropolis happened in 1972. Then opposition Sen. Benigno “Ninoy” Aquino, Jr. exposed 'Oplan Sagittarius' to Congress, a plan of Marcos to put some parts of the country under martial law.
On September 22, 1972, then Defense Minister Juan Ponce Enrile was the focus of a staged assassination attempt; a day later, Marcos declared martial law. During the Martial Law period, Marcos was able to pass the 1973 Constitution which changed the form of government to a parliamentary system. He detained basically anyone critical of the regime, including Aquino, Sen. Jose W. Diokno, and Joaquin “Chino" Roces, with many more detainees killed or never to be seen again. Some, including Aquino at the time of his release, also sought exile overseas. Marcos also installed his cronies as heads of numerous corporations by seizing privately-owned businesses.
Marcos lifted martial law in 1981, but still retained a lot of his martial law-era powers.
[edit] 1981 – 1985: After Martial Law - the Assassination of Ninoy Aquino
With Marcos still exercising extraconstitutional powers, the lifting of martial law did not quell the unrest among the people. Opposition parties boycotted the first presidential elections after martial law in 1981, which Marcos won by a landslide.
The headline that shocked the nation.
Aquino, who had lived in self-imposed exile for three years in the United States, decided to come home despite threats to his life. On 21 August 1983, Aquino arrived at the Manila International Airport, and was killed along with the alleged assassin, Rolando Galman. His death sparked an outpouring of outrage from civil society, with thousands marching in a “National Day of Sorrow” a month later. At this point, Corazon “Cory” Aquino, his widow, threw her support behind the opposition candidates running in the Batasang Pambansa elections of 1984. There were now open calls for protests against the Marcos regime. It was also during this time that the Philippine Daily Inquirer was founded as an alternative to the crony-run broadsheets, and would later play a vital part in reporting on the EDSA Revolution via print media.
Seeing the unrest triggered by the Aquino-Galman assassination, Marcos formed the Agrava Commission to investigate. Because of added pressure from the United States, in November 1985 Marcos called for snap elections.
[edit] 1986 Snap Elections
The snap elections were finally held on 7 February 1986, with Cory Aquino and Salvador “Doy” Laurel running against Marcos and Aurelio Tolentino for the presidency and the vice-presidency. The heavily-anticipated elections were marred by vote-buying, oppression, and fraudulent results; with Commission on Elections (COMELEC) results were in favor of Marcos while the National Movement for Free Elections (NAMFREL) results were in favor of Aquino. In protest, thirty computer operators walk out of the COMELEC tabulation center during the tabulation two days after the election.
One of the most brutal incidents that happened in connection with the snap elections was the killing of lawyer Evelio Javier, opposition ex-governor of Antique, on 11 February 1986. Javier was chased and shot to death in broad daylight at the provincial capitol. The assassination was considered as one of the tipping points that led to the revolution. At his funeral mass, the official statement of the Catholic Bishops' Conference of the Philippines was read, condemning the electionss.
[edit] The EDSA Revolt
[edit] Day 1: Defections and the call to EDSA
At 3 PM of 22 February 1986, Defense Minister Juan Ponce Enrile gathered around 400 men at Camp Aguinaldo, after having received reports on impending mass arrests of opposition leaders and Reform the Armed Forces Movement officers. They were joined by then Armed Forces Vice Chief of Staff Lt. Gen. Fidel V. Ramos, and at 6 PM, the two called a joint press conference to confirm the massive cheating that occurred in the elections. They withdrew their support from the Marcos regime and proclaimed that Cory Aquino was the true winner of the snap elections.
Enrile then contacted Jaime Cardinal Sin, Archbishop of Manila, to ask for support. Cardinal Sin later aired an appeal over the church-run Radio Veritas calling for people to support the rebellion. Enrile also called Aquino, who was then at a rally in Cebu, about the developments. Unsure over Enrile's motives, Aquino sought shelter in a missionary convent; she refused the United States' offer of safe passage.
In response, Marcos also held his own press conference, appealing to the rebel faction to surrender. On Radio Veritas, Enrile replied: "Your time is up!"
By this time, people had started to march to EDSA, heeding the call of Cardinal Sin.
[edit] Day 2: The bombing of Radio Veritas, Cory's return to Manila, and Radio Bandido
During the height of the revolution, an estimated one to three million people filled EDSA from Ortigas Avenue all the way to Cubao. The photo above shows the area at the intersection of EDSA and Boni Serrano Avenue, just between Camp Crame and Camp Aguinaldo.
At 1 AM, the transmission tower of Radio Veritas in Malolos, Bulacan was bombed by armed soldiers. The station's broadcast to the provinces was cut off and it had to use an emergency transmitter to continue broadcasting.
Around this time, back in Manila, Ramos emerged from Camp Crame and faced his supporters for the first time. Later, Enrile did the same, after airing an appeal for more civilian presence.
By noon, Marcos appeared on television with other loyalist generals, announcing plans for his Tuesday inauguration while introducing three more officers allegedly involved in the coup. Identifying Col. Gregorio “Gringo” Honasan, Enrile's chief of security, as the leader of the coup, Marcos also hinted at a possible artillery strike.
The people at EDSA, meanwhile, had been stopping tanks and armored personnel carriers just by using themselves as shields. Cory Aquino arrived in Manila from Cebu at 3 PM, then went into hiding.
At around 6 PM, the Radio Veritas backup transmitter failed and the station went off the air. News and updates about the uprising were now carried on by announcer June Kiethley of DXRJ, renamed to DZBB or Radio Bandido. DZBB's headquarters were kept secret to prevent a repeat of what happened to Radio Veritas.
[edit] Day 3: Marcos' last stand, reclamation of Channel 4, take-over of Channel 7
At midnight Marcos appeared on television again, pledging not to resign and promising to crush the rebellion. He accused Enrile and Ramos of trying to establish a junta.
As morning dawned, more soldiers defected to the rebel faction as loyalist Marines attacked the human barricades near Camp Crame using teargas and clubs. Rumors of Marcos fleeing the country had started to spread, but this was dispelled by Marcos' television appearance at 9 AM with Gen. Fabian Ver. The broadcast, however, was cut short by rebel soldiers seizing control of Channel 4. Loyalist soldiers then seized control of Channel 7, through which Marcos aired a message insisting he would not step down despite an official statement from the United States government asking him to do so.
[edit] Day 4: Two inaugurations, Marcos flees
The next day, Aquino was finally sworn in as president by Supreme Court Senior Justice Claudio Teehankee at Club Filipino. Laurel was also sworn in as vice-president, while Enrile was appointed as Defense Minister and Ramos as Armed Forces Chief-of-Staff.
Marcos held his own inauguration at Malacañang Palace; the event was covered by Channel 2, 9 and 13 which were still under government control. The broadcast was cut short, however, when rebel soldiers finally took over the three stations. Having lost control over the local media, Marcos tried to offer Enrile a position in a provisional government, which Enrile turned down.
Upon the advice of United States Senator Paul Laxalt “to cut and cut cleanly,” Marcos finally gave in and called Enrile to ask for safe passage out of the coutnry. Enrile and Aquino agreed, and as the Marcoses fled the country to seek refuge in Hawaii, people storm the palace to reclaim control over the government.
[edit] Aftermath
With Marcos gone, his 1973 Constitution had to be replaced. A constitutional commission was formed, and the 1987 Constitution was ratified through a plebiscite held on 2 February 1987.
Several key players in the 1986 EDSA Revolution later held major positions in the post-EDSA government. Ramos was later elected president in 1992 and served until 1998, while Enrile was elected as senator and congressman for multiple terms.
The Aquinos had largely remained in power since the revolution, even after Cory Aquino's presidency. The former president played an active part in EDSA II and called for President Gloria Macapagal-Arroyo's resignation, before her death in 2009 from cancer. Her son, Sen. Benigno “Noynoy” Aquino III, is running for president in the 2010 elections.
Jaime Cardinal Sin also played a vital part in EDSA II and remained as Archbishop of Manila until retirement in 2003. He died in 2005.
The Philippine Daily Inquirer is now one of the top broadsheets in the country. Radio Veritas and Radio Bandido are still on air.
The Marcoses, too, have returned to power. After Ferdinand Marcos' death in Hawaii in 1989, Imelda Marcos and their children returned to the Philippines. Despite the numerous cases filed against them, some of which have been dismissed, the Marcoses have actively participated in local politics with Imelda running for president in 1992 and 1998, and winning a seat in Congress as a representative of Leyte in 1995. Their son, Ferdinand “Bongbong” E. Marcos Jr., was a congressman in Ilocos Norte and is running for a senate seat in the 2010 elections; as well as Imee, who is running for governor of Ilocos Norte in the 2010 elections as well. Imelda, who was the subject of controversy again over he lavish 80th birthday celebration in 2009, is running for the seat vacated by her son in the same elections.
[edit] Criticism
The EDSA Revolution has been criticized as being a mere regime change, unable to bring genuine reform in the country. Critics point to the return of the Marcoses to power as duly-elected government officials and the failure of the government to prosecute them, to EDSA being a Manila-centered event, and the lack of true reforms to resolve the issues that brought about EDSA in the first place.
The EDSA Revolution was analyzed by Amado Doronila of the Philippine Daily Inquirer in his article “Why Arroyo foes failed to topple her: time for paradigm shift” published last 26 August 2006. He explains that the EDSA Revolution was Manila-centered, with Filipinos in rural areas left out of the said revolution.
A concrete example of the lack of genuine reform, especially in the agrarian sector, was the Mendiola Massacre. On 22 January 1987, during Aquino's first year as president, farmers marching on Mendiola to demand genuine agrarian reform were violently dispersed by the police. Thirteen farmers were killed in that incident.
Later on, the Aquinos were implicated in the Hacienda Luisita Massacre in 2004. Being part owners of Hacienda Luisita in Tarlac, the Aquinos were held accountable for the violent dispersal of the farmers' strike, leading to the deaths of seven farmers. Sen. Noynoy Aquino was also severely criticized for defending the violent dispersal, saying that the soldiers had every right to violently disperse the farmers because they fired first. The Aquinos were also implicated in the killings of several people also involved in the case—among them union leader Ric Ramos and Tarlac city councilor Abel Ladera.
Rebolusyong EDSA ng 1986
Ang Himagsikan ng Lakas ng Bayan (Ingles: People Power Revolution), na tinatawag ding EDSA Rebolusyon ng 1986 ay isang mapayapang demonstrasyon na nagtagal ng apat na araw sa Pilipinas, mula Pebrero 22 hanggang Pebrero 25 ng taong iyon. Nag-ugat ang nasabing rebolusyon sa serye ng mga kilos protesta ng mga tao laban sa diktaturyang pamumuno ni Ferdinand Marcos, lalo na noong napaslang si Ninoy Aquino noong 1983. Maraming mga tao ang nakilahok dito-mga sibilyan, militar at mga alagad ng simbahan tulad ni Jaime Cardinal Sin. Nagdulot ito ng pagbagsak na pamahalaang diktatoryal ni Pangulong Ferdinand Marcos at ang paghalili ni Corazon Aquino sa posisyong nilisan ni Marcos. Naganap ang mga demonstrasyon sa Epifanio de los Santos Avenue (EDSA), isang mahalagang daan sa Kalakhang Maynila.
Ang rehimeng Marcos
Nahalal si Ferdinand Marcos bilang pangulo ng Pilipinas noong 1965, at natalo niya si Diosdado Macapagal na noon ay kasalukuyang nakaupo bilang Pangulo. Sa ilalim ng kanyang pamumuno naging aktibo si Marcos sa mga proyektong imprastraktura, agrikultura at pampublikong serbisyo na nagdala sa Pilipinas sa pinansyal na kasaganahan. Sa kabila ng bali-balita ng dayaan sa eleksyon, nahalal muli si Marcos noong 1969, at natalo niya si Sergio Osmeña Jr.
Maraming mga alegasyon ng katiwalian ang lumitaw sa kanyang ikalawang termino ng kanyang pamumuno. Maraming mga tao ang naghirap, at dahil dito tumaas ang kaso ng krimen at mga kaguluhan sa bansa. Ito ang naging dahilan sa pagbuo ng mga rebeldeng grupo katulad ng New People's Army (NPA), at ng Moro Islamic Liberation Front na naglalayon na magkaroon ng isang hiwalay na bansa mula sa Pilipinas.
Pangulong Ferdinand Marcos
Hindi na puwedeng tumakbo sa kandidatura si Marcos para sa halalan sa 1973. Dahil dito, noong Setyembre 21, 1972, sa pamamagitan ng Proklamasyon 1081, nilagay ni Marcos ang buong bansa sa ilalim ng Batas Militar. Dinahilan niya dito ang lumalaganap na kaguluhan sa bansa. Sa ilalim ng batas militar, pinasara ang lahat ng mga institusyon ng midya, at ang ilan sa kanila ay kinuha ng gobyerno. Ang tangi lamang na tumatakbong mga pahayagan noon ay ang Daily Express at ang Manila Bulletin na noon ay tinatawag na Bulletin Today. Ang mga estasyon ng telebisyon na siyang pinapasahimpapawid lamang ay ang Channel 4 at Channel 2, na dating pag-mamay-ari ng mga Lopez. Marami din sa mga kritiko ni Marcos ang pinahuli, ang isa sa mga pinakakilala sa kanila ay si Benigno Aquino, na isang senador sa oposisyon at ang tinuturing na pinakamainit na kritiko ni Marcos.
Lumuwas ng Estados Unidos si Ninoy Aquino noong 1981 dahil sa kanyang kalusugan at dahil na rin sa kanyang seguridad. Makalipas ang tatlong taon, noong taong 1983, ipinahayag ni Aquino ang kanyang kagustuhang makabalik sa Pilipinas, kahit na marami sa kanyang mga kaibigan at tagasuporta ang tutol dito.
Noong Agosto 21, 1983, pinaslang si Aquino habang siya ay papalabas ng isang eroplano sa Manila International Airport (na ngayon ay pinangalan sa kaniya).[1] Nagdulot ito ng malaking galit sa mga Pilipino, na karamihan ay wala nang tiwala sa administrasyong Marcos. Maraming paraan ng kilos protesta ang ginawa, kabilang na ang civil disobedience. Noong panahon ding iyon, nagsisimula nang humina ang kalusugan ni Marcos dahil sa kaniyang karamdaman na Lupus.[2]
Noong 1984, inatasan ni Marcos ang isang komisyon, sa pamumuno ng Punong Hurado Enrique Fernando, na magsagawa ng imbestigasyon sa pagpaslang kay Aquino. Ayon sa kanilang huling report, ang mga militar ang tunay na sangkot sa nasabing pagpaslang. Naging malaki itong dagok sa pabagsak nang pamahalaan.
Ang nasabing pagpaslang, kabilang na ang ibang mga suliranin, ang mas lalo pang nagpalubog sa Pilipinas sa isang krisis pang-ekonomiya. Ang ekonomiya ng bansa ay lumiit hanggang sa 6.8%. [3]
[baguhin] Ang Snap Election
Dahil sa patuloy na pagdududa ng mga Pilipino sa kakayahan ng pamahalaan, minabuting minungkahi ng Washington[4] kay Marcos ang pagsasagawa ng biglaang halalan (snap election). Pinakinggan ni Marcos ang mungkahing ito. Pinagbisa ang biglaang halalan sa pamamagitan ng Batas Pambansa Blg 883 ng Regular Batasang Pambansa, isang unikameral na kongreso na kontrolado ni Marcos. Tumakbo muli si Marcos sa halalan, kasama si Arturo Tolentino bilang kanyang pangalawang presidente. Tumakbo si Corazon Aquino, ang balo ni Ninoy Aquino, matapos ang matinding pakikiusap at suporta ng oposisyon at maging ng taong bayan. Si Salvador Laurel ang naging pangalawang presidente ni Aquino.
Naganap ang halalan noong Pebrero 7, 1986. Ang eleksyon na ito ang isa sa mga pinakakontrobersyal sa kasaysayan ng bansa, na may maraming balita ng malawakang dayaaan na naganap. Dineklara ng opisyal na tagabliang ng boto, ang Komisyon ng Halalan (Commission of Elections o Comelec), si Marcos bilang nagwagi. Ayon sa kanila, nanalo si Marcos na mayroong 10,807,197 boto laban kay Aquino na nakakuha lamang diumano ng 9,291,761 boto. Ayon naman sa National Movement for Free Elections (Pambansang Kilusan ng Malayang Pagboto o Namfrel), isang akreditadong tagamasid ng halalan (poll watcher), nanalo si Aquino ng 7,835,070 boto laban kay Marcos na nakakuha lamang diumano ng 7,053,068 boto. Dahil sa malawakang dayaan sa halalan nag-walk-out ang 29 na computer technician bilang protesta sa sapilitang pagmamanipula ng boto para palitawin na si Marcos ang panalo.[5].
Dahil dito nagpahayag ang Catholic Bishop's Conference of the Philippines (CBCP) ng pagkondena sa nasabing halalan. Ganun din ang pinahayag ng pamahalaan ng Estados Unidos. Ayon mismo sa pangulo ng Amerika na si Ronald Reagan, na siyang kaibigan ni Marcos, "nakakabahala" [6] ang mga bali-balita ng malawakang dayaan. Sa kabila ng mga malawakang protesta at pagkondena, pinahayag pa rin ng COMELEC na si Marcos ang nanalo sa pamamagitan ng 51 porsyento. Pinahayag naman ng NAMFREL na nanalo si Aquino ng 52 porsyento.
Pinahayag ng Batasang Pambansa noong Pebrero 15 si Marcos at si Aquino bilang mga nagwagi. Lahat ng 50 oposisyon ay nag-walkout sa pagprotesta. Hindi matanggap ng mga Pilipino ang resulta, at sa halip naniwala sila na si Aquino ang tunay na nanalo. Nanawagan si Aquino ng malawakang hindi-pagtangkilik (boykot) sa mga produktong pagmamay-ari ng mga crony ni Marcos. Dahil dito lalo pang bumagsak ang ekonomiya ng Pilipinas.
[baguhin] Ang Rebolusyon sa EDSA
Dahil na rin sa mga balita ng malawakang pandaraya sa eleksyon, nagbalak ang ilang mga sundalo sa pamumuno ng noon ay Kalihim ng Pambansang Depensa, si Juan Ponce Enrile, na pabagsakin ang pamahalaang Marcos. Sa kasamaang palad, nalaman ni Marcos ang balak na ito, at agad na pinag-utos niya ang pagdakip sa mga pinuno nito. Dahil nahaharap siya sa napipintong pagdakip sa kaniya, humingi ng tulong si Enrile sa AFP Vice- Chief of Staff na si Lt Gen Fidel Ramos. Pumayag si Ramos na magbitiw sa kaniyang puwesto at sinuportahan ang mga rebeldeng sundalo. Kinausap din ni Enrile ang Arsobispo Katoliko ng Maynila na si Jaime Cardinal Sin para sa suporta.
Noong 6:30 ng gabi nagkaroon ng press conference si Enrile at Ramos sa Kampo Aguinaldo. Ipinahayag nila ang kanilang pagbibitiw sa puwesto sa gabinete ni Marcos at ang kanilang pagtiwalag sa suporta ng gobyerno. Nagpatawag din ng sariling press conference si Marcos at sinabi niya kay Ramos at Enrile na sumuko na lang, at "tigilan ang kamangmangang ito."[7]
Bandang ika-siyam ng gabi, sa pamamagitan ng Radio Veritas na pinapatakbo ng Romano Katoliko, nanawagan si Cardinal Sin sa mga taong bayan na pumunta sa EDSA para suportahan ang mga rebeldeng sundalo sa Kampo Crame at Kampo Aguinaldo sa pamamagitan ng iba't ibang bagay na makakatulong sa kanila, tulad ng pagbibigay ng pagkain at ng iba pa nilang pangangailangan. Sa kabila ng kapahamakan na maaaring dumating sa kanila laban sa puwersa ng gobyerno, nagpunta ang mga sibilyan, maging ang mga madre at pari, sa EDSA.
Malaki ang bahagi ng Radio Veritas sa rebolusyong ito. Ayon sa dating pangulo ng Unibersidad ng Pilipinas na si Francisco Nemenzo, magiging imposible na hikayatin ang mga tao na makilahok sa rebolusyong ito sa ilang oras lamang kung wala ang Radio Veritas.
[baguhin] Ang lumalaking suporta ng masa
Noong kasagsagan ng rebolusyon, tinatayang nasa isa hanggang tatlong milyong katao ang pumuno sa EDSA mula sa Ortigas Avenue hanggang Cubao. Ang larawan ay sa itaas ay nagpapaita ng intersection ng EDSA at Boni Serrano Avenue, sa pagitan ng Kampo Krame at Kampo Aguinaldo.
Noong madaling araw ng Linggo,Pebrero 23, 1986 pumunta ang mga sundalo ng gobyerno para wasakin ang transmitter ng Radio Veritas, at dahil doon marami ang mga tao sa probinsya ang hindi makasagap ng impormasyon. Dahil dito napilitan ang estasyon na gamitin ang pangalawa (backup) nitong transmitter na mayroong mas maliit na sakop ng brodkast. Naisipan ng gobyerno na gawin ang aksyong ito dahil mahalaga ang Radio Veritas sa pakikipagtalastasan sa mga tao na sumusuporta sa mga rebeldeng sundalo. Ang estasyong ito ay nagbibigay impormasyon tungkol sa mga pinakahuling galaw ng sundalo ng pamahalaan at ito din ang nagsisilbing daan upang manawagan sa pangangailangan ng pagkain, gamot at mga suplay.
Sa kabila nito, marami pa rin ang mga tao na dumagsa sa EDSA. Umabot sa daang libo ang mga tao na walang dalang ibang sandata. Ang ilan sa kanila ay may dala ng rosaryo at imahe ng Birheng Maria. Marami ang nakilahok sa malawakang pagdarasal (prayer vigil) sa pamumuno ng mga pari at madre. Marami naman ang gumawa ng mga harang o barikada gamit ang mga sako ng buhangin at mga sasakyan sa mga kanto sa kahabaan ng EDSA katulad ng Santolan at Ortigas Ave. Marami ding grupo ang kumanta ng "Bayan Ko"[8], na, simula pa noong 1980 ito ang naging makabayang awit ng oposisyon. Marami ding tao ang gumamit ng sagisag pang-kamay (hand sign) ng LABAN[9] ; na ang hinlalaki at hintuturo ay bubuo ng letrang "L".
Noong araw ding iyon bumisita ang dalawang rebeldeng pinuno sa kabilang kampo. Tumawid si Enrile sa EDSA mula Kampo Aguinaldo hanggang Kampo Crame sa pagitan ng mga maraming tao na nagsusuporta sa kanila.
Binalita ng Radio Veritas noong hapon na iyon na may mga batalyon ng Marines na papunta sa dalawang mga kampo sa silangan, at mga tangke na papunta mula sa hilaga at timog. Dalawang kilometro mula sa mga kampo, hinarang ng libo-libong mga tao ang isang batalyon ng tangke na nasa pamumuno ni Brigadier General Artemio Tadar sa Ortigas Ave.[10] Nagsiluhuran ang mga madre at nagdasal ng rosaryo, at nagkapit-bisig ang mga tao para harangin ang mga sundalo.[11] Sa kabila ng banta ni Tadar sa mga tao ay hindi sila umalis. Walang nagawa ang mga sundalo sa situwasyon, at di nagtagal umurong na lang sila ng hindi man lang nagpapaputok.
Noong gabing iyon ay bumigay na rin ang transmitter ng Radio Veritas. Bandang hatinggabi ay lumipat ang mga staff sa isang lihim na lugar para magpatuloy sa pagbo-broadcast, sa ilalim ng pangalang Radyo Bandido. Si June Keithley ang brodkaster na nagpatuloy sa programa ng Radio Veritas sa bagong estasyon sa nalalabing mga araw ng rebolusyon.
[baguhin] Hindi Pag-kakalinawan
Noong madaling araw ng Pebrero 24, Lunes, naganap ang unang matinding bakbakan sa pagitan ng mga loyalista at mga rebeldeng sundalo. Mabilis na tinaboy ng mga Marines na galing Libis ang mga demonstrador. Samantala, mahigit-kumulang na 3,000 Marines ang kumubkob sa silangang bahagi ng Kampo Aguinaldo.
Noong araw ding iyon inatasan mula sa Sangley Point sa Cavite ang mga helikopter sa pamumuno ni Major General Antonio Sotelo upang pumunta sa Kampo Krame.[12] Lihim na palang bumaligtad ang nasabing grupo at sa halip na atakihin ang Kampo Crame ay lumapag sila doon. Maraming mga tao ang bumati sa mga sundalo na papalabas ng mga helikopter. Dahil sa pangyayari ay mas lalo pang sumigla si Ramos at Enrile na patuloy pang nananawagan sa mga sundalo na tumiwalag kay Marcos at sumapi sa kilusang oposisyon. Bandang hapon dumating si Aquino sa lugar kung saan naghihintay si Ramos, Enrile at ang mga opisyales ng RAM.
[baguhin] Ang pagkubkob sa Channel 4
Dumating kay June Keithley ang balita na papalabas na ng Malakanyang si Marcos at binalita naman niya ito sa mga tao sa EDSA. Nagdiwang ang mga tao; maging si Ramos at Enrile ay lumabas para magpakita sa mga tao. Subalit naging sandali lang ang saya noong lumabas si Marcos sa Channel 4 na kontrolado ng gobyerno. Sinabi ni Marcos na hindi siya bababa sa puwesto. Marami ang nag-isip na ang maling balita na ito ay isang paraan upang maghikayat ng mas marami pang pagbaligtad mula sa gobyerno.
Lumusob ang mga rebeldeng sundalo, sa pamumuno ni Colonel Mariano Santiago, sa estasyon ng Channel 4, at ang estasyon ay naputol sa ere. Nakubkob ng mga sundalo ang estasyon. Bumalik sa ere ang Channel 4, na may boses na nagsasabing "This is Channel 4. Now serving the people again." (Ito ang Channel 4. Naglilingkod muli sa sambayanan.) Samantala, umabot na sa milyon ang mga tao sa EDSA. Sinasabi na ito ang senyales ng "pagbabalik muli" sa ere ng ABS-CBN. Ito ay sa dahilan na ang mga taong nagpapatakbo ng brodkast ng mga oras na ito ay mga dating empleyado ng ABS-CBN na pinangungunahan ng direktor na si Johnny Manahan kasama ang pinsan ng may-ari ng ABS-CBN na si Augusto "Jake" Lopez. Ang brodkast na ito ay pinangasiwaan nina June Keithley, dating ABS-CBN broadkaster na si Orly Punzalan at Bong Lapira kasama ang mga paring sina Fr. Bong Bongayan, Fr. Aris Sison at sina Fr. James Reuter.
Bandang hapon, linusob ng mga rebeldeng helikopter ang Villamor Airbase, na naging dahilan ng pagkawasak ng ilang sasakyang pampangulo. Mayroon namang isang helikopter na pumunta ng Malakanyang at nagpaputok ng raket, na naging sanhi ng maliit na pinsala. Noong lumaon din ay marami nang mga opisyales na nagsipagtapos ng Akademya Militar ng Pilipinas (Philippine Military Academy) at maging ng Hukbong Sandatahan ang tumiwalag sa gobyerno.
Samantala, minungkahi ni Heneral Fabian Ver ang paggamit ng dahas upang matigil ang lumalaking rebolusyon. Hindi pumayag si Marcos dito.
[baguhin] Ang panunumpa
Noong umaga ng Martes, Pebrero 25, bandang ikapito ng umaga, nagkaroon ng saguypaan sa pagitan ng mga loyalista at mga rebeldeng sundalo. May mga sniper na bumabaril sa mga rebeldeng sundalo. Subalit patuloy na sinugod ng mga rebeldeng sundalo ang estasyon ng Channel 9, na nasa hindi kalayuan ng Channel 4.
Maya-maya lamang ay nanumpa si Corazon Aquino bilang bagong pangulo ng Pilipinas sa isang seremonya sa Club Filipino sa Greenhills, isang kilometro mula sa Kampo Crame. [13] Pinasumpa si Aquino ni Senior Associate Justice Claudio Teehankee, at pinasumpa naman si Laurel bilang Pangalawang Pangulo ni Justice Abad Santos. Hawak ni Aurora Aquino, nanay ni Ninoy Aquino, ang bibliang ginamit sa panunumpa ni Aquino. Kasama sa seremonya si Ramos, na na-promote bilang Heneral, si Enrile at ang iba pang mga pulitiko. Nasa labas ang maraming mga taga-suporta ni Aquino, na karamihan ay naka-dilaw bilang pagpapakita ng kanilang suporta. Matapos ang panunumpa ni Aquino ay kumanta sila ng Bayan Ko.
Samantala, nanumpa naman si Marcos sa Malakanyang. Nandoon ang ilan sa kanyang mga taga-suporta na sumisigaw ng "Marcos! Marcos! Marcos pa rin!" Ang panunumpa ay ginawa ni Marcos sa balkonahe ng palasyo ng Malakanyang, at binrodkast ito sa nalalabing mga estasyon ng gobyerno at ng Channel 7. Pagkatapos ng panunumpa ay umalis ang mag-asawa sa labas ng Palasyo. Naputol ang pagbrodkast nito noong kubkubin ng mga rebeldeng sundalo ang mga nalalabing mga estasyon.
Marami ding mga demonstrador ang pumunta sa Mendiola, hindi kalayuan mula sa Malakanyang, ngunit hinarang sila doon ng mga loyalistang mga sundalo. Maraming mga demonstrador ang nagalit, ngunit inawat sila ng mga pari na nakiusap na huwag maging marahas.
[baguhin] Ang Paglisan ni Marcos
Kinausap ni Marcos ang Senador ng Estados Unidos na si Paul Laxant, para humingi ng payo mula sa White House. Pinayuhan siya ni Laxalt ng "cut and cut cleanly", na siyang kinalungkot ni Marcos. Bandang hapon, kinausap ni Marcos si Enrile para sa kanyang ligtas paglisan kasama ang kanyang pamilya. Pumunta ang pamilya ni Marcos sa Clark Airbase sa Zambales City bandang ikasiyam ng gabi, bago tuluyang lumipad ng Hawaii.
Marami ang nagsisaya sa paglisan ni Marcos. Napasok na rin ng mga demonstrador ang Palasyo ng Malakanyang, na dati ay hindi mapasok ng ordinaryong mamamayan. Maliban sa mga naganap na nakawan, marami din ang nagsilibot sa loob ng isang lugar kung saan binago ang kasaysayan ng bansa.
Maging ang buong mundo ay nagsaya. Ayon kay Bob Simon, isang tagapagbalita ng CBS na isang estasyon sa Amerika, ang nagsabi "We Americans like to think we taught the Filipinos democracy; well, tonight they are teaching the world." ("Gusto naming mga Amerikano na isipin na kami ang nagturo sa Pilipinas ng demokrasya, ngunit ngayong gabi tinuturuan nila ang buong mundo.")
[baguhin] Katapusan
Matapos ang rebolusyon, marami pa ring suliranin ang kinahaharap ng bansa. Ang ekonomiya ay kontrolado halos ng gobyerno. Sa kabila nito, sa pamumuno ni Corazon Aquino ay unti-unting bumalik ang demokratikong institusyon sa bansa.
Isinawalang-bisa ang Saligang Batas ng 1972, at sa halip ay gumawa si Aquino ng isang "Freedom Constitution" (Malayang Konstitusyon) upang pansamantalang maging saligang batas, hanggang sa natapos at naratipikahan na ang Saligang Batas 1987 na siyang kasalukuyang saligang batas ng bansa. Sa bagong saligang batas ay hindi na maaring tumakbong muli ang isang Pangulo ng bansa, na binibigyan ng anim na taon para mamuno.
Aklasang Bayan sa EDSA
Mula Wikifilipino
Tumutukoy ang Aklasang Bayan sa EDSA, na kilala rin bilang EDSA People Power, sa mapayapang pag-aaklas ng laksa-laksang Filipino laban sa mapaniil na diktadura ni Pang. Ferdinand E. Marcos. Naging titis sa pag-aaklas ang kudeta nina Hen. Fidel V. Ramos, na ikalawang hepe de estado mayor, at Juan Ponce Enrile, na kalihim ng Tanggulang Pambansa—na sinuportahan ng panawagan ni Jaime Cardinal Sin sa taumbayan na pigilin ang napipintong madugong bakbakan ng mga sundalo doon sa Camp Crame at Camp Aguinaldo na malapit sa Epifanio de los Santos Avenue (EDSA). Nagsimula ang pag-aaklas noong gabi ng 21 Pebrero 1986 at nagwakas noong 25 Pebrero 1986 nang sapilitang isakay sa eroplano ng Amerikano ang pamilyang Marcos—bitbit ang daan-daang papeles, alahas, kagamitan, at di-mabilang na salapi—at idestiyero sa Hawai'i.
Ugat ng Pag-aaklas
Mauugat ang Aklasang Bayan sa EDSA nang ideklara ni Pangulong Marcos ang Batas Militar noong 1972. Nagprotesta sa lansangan ang libo-libong estudyante, manggagawa, magsasaka, negosyante, at iba pang tao mula sa mga dukhang sektor upang tutulan ang lumalaganap na kahirapan at panggigipit ng administrasyong Marcos. Sumiklab din ang rebolusyong inihasik ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP), Bagong Hukbong Bayan (BHB), at Pambansang Demokratikong Prente (NDF). Ngunit maagap namang sinupil iyon ng sandatahang lakas ng Filipinas, at ikinatwiran ni Marcos na kailangang maibalik ang estabilidad ng bansa. Sinisi rin ni Marcos ang aniya'y kutsabahan ng mga makakaliwang grupo, kasama ang mga rebeldeng Moro, at ang malalaking negosyanteng kumokontrol umano ng ekonomiya ng bansa.
Itinatag ni Marcos ang partidong Kilusang Bagong Lipunan (KBL) upang isulong ang kaniyang bagong bisyon para sa Filipinas. Isinulong niya ang pakikipag-ugnayan sa mga bansang ASEAN, nakipagkasundo at binuksan ang pinto para sa Tsina, USSR, at iba pang bansa, at isinabatas ang pagpapadala ng mga Filipinong manggagawa sa ibayong-dagat upang maiangat ang kabuhayan ng mga dukha. Sinikap din ni Marcos na palakasin ang pamahalaang lokal sa pamamagitan ng pagtataguyod sa mga barangay, ngunit hindi ganap ang naging tagumpay niyon dahil ang panustos sa naturang mga barangay ay nagmumula pa rin sa pambansang pamahalaan at nabahiran ng di-inaasahang korupsiyon. May mga batas din na pinagtibay para itaguyod ang repormang agraryo, subalit ang pagpapatupad niyon ay naging pangarap lamang hanggang sa adminstrasyon ni Pang. Gloria Macapagal-Arroyo. Nagpatayo ng mariringal na publikong gusali si Marcos, gaya ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas, Manila Film Center, Philippine International Convention Center, at Philippine Coconut Palace. Gayunman, nagpatuloy ang protesta ng taumbayan dahil patuloy na lumaganap ang kahirapan at ang nakikinabang lamang sa yaman ng bansa ay ang ilang mayamang pamilya.
Sukdulan ng Kabagsikan
Umabot ang rurok ng diktadura ni Pangulong Marcos nang paslangin si dating senador Benigno Aquino Jr noong 21 Agosto 1983 habang pababâ sa tarmak ng Manila International Airport. Nagbabala si Ninoy, palayaw ni Aquino, na sakali't mapatay siya ay walang dapat sisihin kung hindi ang rehimen ni Marcos.
Sumiklab ang serye ng mga protesta sa lansangan na sinagot naman ng panggigipit at pandarahas ng administrasyon ni Pang. Marcos. Tuloy-tuloy na gumuho ang ekonomiya, umangal ang mga negosyante, at nagpahayag ng pagkabahala ang Estados Unidos ukol sa pamumuno ni Marcos. Walang nagawa ang pangulo kundi tumawag ng mabilisang halalan noong 23 Nobyembre 1985, upang mabatid kung sino ang karapat-dapat mamuno sa Filipinas.
Naganap ang pambansang halalan noong 7 Pebrero 1986. Si Corazon Aquino, esposa ni Benigno Aquino, ang kandidato ng oposisyon sa pagkapangulo at si Salvador Laurel naman ang kumandidato bilang ikalawang pangulo sa ilalim ng pinagsanib ng mga organisasyon ng oposisyon. Si Ferdinand Marcos ay tumakbo bilang pangulo, at si Arturo Tolentino ang kaniyang ikalawang pangulo sa ilalim ng partidong KBL.
Makasaysayan ang araw na iyon dahil lumahok ang milyong Filipino upang bumoto. Umangal naman ang libo-libong botante dahil naglaho ang kanilang pangalan sa mga listahan ng Commission on Elections (Comelec). Lumitaw ang malawakang dayaan at kaguluhan sa buong Filipinas. Sa opisyal na talaan ng Comelec, si Marcos ay may 10,807,197 boto at si Aquino ay may 9,291,761 boto. Ngunit sa talaan ng National Movement for Free Elections (NAMFREL), si Aquino ay nakapagtala ng 7,835,070 boto habang si Marcos ay may 7,053,068 boto.
Nagbitiw sa tungkulin ang ilang kawani ng Comelec upang tutulan ang diumano'y dayaan sa pagpapaskil ng datos sa pisara. Binatikos ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang malaganap na dayaan, at pati ang Estados Unidos ay nagpasa rin ng resolusyon ng pagkadismaya. Sa kabilang dako'y nanalig si Marcos na siya ang nagwagi sa halalan, habang iginugupo ng matinding sakit na Lupus, at naghihiyawan sa protesta ang mga tao sa iba't ibang lalawigan.
Ang Pagtiwalag
Tumiwalag sa kani-kaniyang tungkulin sina Ramos at Enrile nang mabatid nilang daramputin na sila ng mga tauhan ni Pangulong Marcos. Eksaktong 6:45 ng umaga, Biyernes, 22 Pebrero 1996, nang sina Enrile at Ramos ay nagpahayag na kanilang pagtutol sa naganap na halalan, at tumiwalag sa kanilang tungkulin. Ang dalawang opisyal ay nagbarikada sa dalawang kampo militar sa kahabaan ng EDSA. Si Ramos ay nasa Kampo Crame, na punong himpilan ng Philippine Constabulary-Integrated National Police; at si Enrile naman ay sa Kampo Aguinado na punong himpilan ng Hukbong Sandatahan ng Filipinas. Kasama nina Ramos at Enrile ang ilang daang sundalo na ang pinakakilala ay si Col. Gregorio “Gringo” Honasan,” na handang harapin ang paglusob ng mga sundalong tapat kay Marcos at nasa pamumuno ni Hen. Fabian Ver, na hepe de estado mayor noon.
Makalipas ang ilang oras, isinimpapawid ng Radio Veritas ang pahayag nila Ramos at Enrile. Matapos marinig ni Marcos ang pahayag ni Ramos at Enrile, nagpalabas din siya ng sariling pahayag sa radyo, at sinabing sumuko na ang dalawa at itigil na ang kanilang katangahan.
Alas-nuwebe ng gabi, nagbigay ng pahayag si Arsobispo Jaime Cardinal Sin sa mga Filipino na lumabas ng bahay, pigilin ang napipintong madugong bakbakan, at saklolohan sa kung ano-anong paraan ang mga nagrebeldeng kawal.
Agos ng mga Tao
Radio Veritas ang nagsilbing tagapagbalita ng mga pangyayari, dahil ang ibang estasyon ng radyo ay takot na isahimpapawid ang nagaganap na pag-aaklas. Kahit may bantang maipasara, lihim na ipinagpatuloy ng Radio Veritas ang tungkuling ihatid sa taumbayan ang kinakailangang impormasyon. Naging tinig si June Keithley ng himagsikan, at ang iba pa niyang kasama sa Veritas, samantalang naghahatid ng impormasyon sa pagkilos ng mga sundalo ng pamahalaan laban sa mga rebelde na nasa loob ng dalawang kampo.
Dumagsa ang laksa-laksang tao mula sa iba't ibang sektor at kung saan-saang lalawigan sa EDSA. Nanguna ang sektor relihiyoso, at anuman ang relihiyon ng mga tao ay nagkaisa't nagdasal tungo sa mapayapang resolusyon ng mga pangyayari. Samantala, umulan ng pagkain at inumin sa hanay ng mga nag-aaklas na taumbayan. Nagbigayan ang bawat isa, at isinabuhay ang tunay na diwa ng bayanihan.
Noong 23 Pebrero 1986, makatapos ang tanghalian, Si Enrile at Ramos ay nagpasyang pag-ibayuhin ang kanilang puwersa, Tumawid si Enrile papuntang Kampo Crame.
Kinahapunan, ibinalita ng Radio Veritas na may mga papalapit na kawal ng Philippine Marines sa dalawang kampo. Ang nasabing mga kawal ay lulan ng mga tangke at sasakyang pandigma, na pinamumunuan ni Hen. Artemio Tadiar. Napigil ng mga tao ang kaniyang sundalo sa kahabaan ng Ortigas Avenue na may dalawang kilometro na lamang ang layo sa kinalalagyan nina Enrile at Ramos. Nagkapit-bisig ang mga tao at humalang sa mga tangke. Pinagbantaan ni Heneral Tadiar ang mga tao ngunit hindi natinag ang mga ito. Napilitang umatras ng mga sundalo, at himalang walang kaguluhang nangyari.
Kinagabihan, ang transmitter ng Radyo Veritas ay nasira. Nagawang makalipat ng ibang estasyon ang mga tauhan ng Verita at naibalik ang pagsasahimpapawid. Si Keithley ang nagpatuloy ng programa sa naturang radyo.
Madaling araw ng Lunes, 24 Pebrero, nagpakawala ng tear gas ang mga Marines na nagmula sa Libis upang mapaalis ang mga taong nakabarikada, at nang umalis ang mga tao, pumasok ang may 3,000 Marines sa silangan bahagi ng Kampo Aguinaldo.
Pagkatapos, ipinadala ang mga helikopter ng 15th Air Force Strike Wing, na pinamumunuan ni Hen. Antonio Sotelo sa Kampo Crame upang tapusin na ang mga rebelde sa loob. Imbes na atakihin ng mga helikopter ang kampo, inilapag ang mga ito sa loob, at nagsibaba ang mga sundalong lulan niyon, at nakisimpatya sa mga rebeldeng sundalo. Nagdiwang ang mga tao, at niyakap ang mga sundalong kumampi sa pag-aaklas. At dahil sa pagdating ng mga helikopter, lalong lumakas ang loob at moral nina Enrile at Ramos, at nagpatuloy sa paghimok sa mga kapuwa sundalo na umanib sa kanilang ipinaglalaban.
Pagkuha sa Channel 4
Noong 23 Pebrero, iniulat ni Keithley sa himpapawid na may natanggap siyang ulat, na nilisan na ng pamilyang Marcos ang Palasyo ng Malacañang. Narinig ng mga tao sa EDSA ang magandang balita, natuwa at nagdiwang ang lahat, pati sina Enrile at Ramos na lumabas sa Kampo Crame. Ngunit ang kanilang saya ay panandalian lamang, dahil nagpakita si Marcos sa telebisyon sa pamamagitan ng Channel 4, at sinabing “I would not step down” (Hindi ako bababâ sa puwesto!)
Naputol ang pagsasahimpapawid ng Channel 4. Ipinadala si Koronel Mariano Santiago at ang kaniyang mag tauhan upang mabawi ang naturang estasyon. Tanghali na nang maibalik sa eyre ang Channel 4, at may tinig na nagsabing “This is Channel 4. Serving the people again.” Nang panahon iyon, tinatayang milyon na ang bilang ng tao sa EDSA.
Kinahapunan, inatake ng mga helikopter na nasa kamay na ng mga rebelde ang Villamor Air Base, na kinaroroonan ng dalawang sasakyan ng presidente. Ang isang helicopter naman ay nagtungo sa Malacañang, at nagpakawala ng rocket, na nagdulot ng bahagyang sira sa palasyo. Dahil sa mga pangyayaring ito, lahat halos ng opisyal ng hukbong sandatahan at pulisya na nagtapos sa Philippine Military Academy (PMA), ay tumalikod na sa pamahalaan, pati na rin halos lahat ng sundalo sa Hukbong Sandatahan ng Filipinas.
Huling oras ni Marcos
Noong 24 Pebrero, ipinalabas sa telebisyon ang naganap na pag-uusap ni Marcos at ni Ver hinggil sa kung ano ang desisyon ni Marcos sa mga tangke na nakapuwesto sa EDSA. Sinabi ni Ver na ibigay lang ni Marcos ang kaniyang utos at pauulanan ng bala at bomba ng kaniyang mga sundalo ang mga tao. Nagmatigas si Marcos na huwag magpapaputok, at umiwas dumanak ang dugo.
Ito ang aktuwal na diyalogo sa telebisyon:
Fabian Ver: We have to immobilize the helicopters they've got. We have two fighter planes flying now to strike at anytime, sir.
Ferdinand Marcos: My order is not to attack.
Ver: They are massing civilians near our troops and we cannot keep on withdrawing. You asked me to withdraw yesterday....
Marcos(sumabat): My order is to disperse (them) without shooting them.
Ver: We cannot withdraw all the time...
Marcos: No, no, no, no! Hold on. You disperse the crowds without shooting them. You may use any other weapons...
Ang Inagurasyon
Nagsimulang paputukan ng mga rebeldeng sundalo ang mga sundalong tapat kay Marcos na kumokontrol sa Channel 4 noong umaga ng 25 Pebrero 1986.
Noong umaga din iyon, si Cory Aquino ay nanumpa bilang Pangulo ng Filipinas sa isang simpleng seremonya sa Club Filipino, na may ilang kilometro lamang ang layo sa Kampo Crame. Nanumpa si Aquino sa harap ni Hukom Claudio Teehankee, habang si Laurel ay nanumpa bilang ikalawang pangulo kay Hukom Vicente Abad Santos. Dumalo sa seremonyang ito ay sina Ramos na naging isang Heneral, Enrile, at ibang politiko na naniniwala sa pagkapanalo ni Aquino.
Nagpatuloy ang protesta, at naging tanyag na awit ang “Bayan Ko” na mula sa tula ni Jose Corazon de Jesus at sa himig ni Constancio de Guzman.
Makalipas ang isang oras, nanumpa naman si Marcos sa harap ng kaniyang tagasunod bilang pangulo ng Filipinas, at isinahimpapawid ng Channel 7. Pagkatapos ng manumpa ni Marcos, mabilis na umalis ang Unang Pamilya at ang ilang taong malalapit sa kanila upang lumipad tungong Clark Field, Pampanga, bago isinakay sa eroplano ng mga Amerikano tungong Guam, at pagkaraan ay humimpil sa Honolulu, Hawai'i.
Umapaw ang mga tao sa Mendiola nang mabalitaang nilisan ng pamilyang Marcos ang Malacañang. Ilang sandali pa'y nawasak ang halang tungong palasyo, at nilusob ng mga tao ang Malacañang. Kinulimbat ng iba ang kung ano-anong bagay sa loob ng naturang lugar, nagsaya at nag-inuman, samantalang ang iba'y pinigil ang madla na manira ng mga gamit. Sa unang pagkakataon ay nakayapak sa bakuran ng mga Marcos ang mga karaniwang tao.
Iba pang Aklasang Bayan
Mauulit ang Aklasang Bayan sa EDSA, na tinawag na EDSA Dos, nang patalsikin sa poder si Pang. Joseph Ejercito Estrada ng mga kalaban niya sa politika noong 2001. Muntik nang magkaroon ng EDSA Tres, at kung hindi sumaklolo ang mga loyalista ni Pang. Gloria Macapagal Arroyo ay malamang na tumaob na siya sa puwesto nang lusubin ng mga maralitang tagalungsod ang Malacañang noong 1 Mayo 2003. Pinaputukan ang mga demostrador, at dinakip ang daan-daang tao matapos ipataw ang pansamantalang Batas Militar.
Sanggunian
- Mercado, Paul Sagmayao, and Tatad, Francisco S. People Power: The Philippine Revolution of 1986: An eyewitness history. Manila, Philippines. The James B. Reuter, S.J., Foundation. 1986.
- Baron, Cynthia S. and Suazo, Melba M. Nine Letters: The Story of the 1986 Filipino Revolution. Quezon City, Philippines. Gerardo P. Baron Books. 1986
- Schock, Kurt. Unarmed Insurrections: People Power Movements in Nondemocracies. Minneapolis, USA. University of Minnesota Press. 2005.
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento