Mula sa lungsod patungong kanayunan matatagpuan ang bundok na naghihiwalay sa Baryo Linglingay at ng Mangandingay sa bayan ng Munoz, lalawigan ng Nuweba Esiha. Tahimik, sariwang hangin at maayos na kapaligiran ay ang mga katangiang taglay ng Bundok na ito na sumisimbolo sa kapayapaan. Ang bundok ay napapalibutan ng Punong Mangga at sa tuktok nito’y may isang malaking konkretong bahay na pamamayan ni Heneral Acosta. Wala mang bakod sa Bakal ngunit mahigpit na pinagbabawal and pumasok na nasasakupan nito kahit sa paanan ng bundok lamang. Dekado 90 ganito na ang sitwasyon ng lugar na ito, puno ng misteryo at balot ang hiwaga. Malakas ang bulong-bulungan ng mga tao sa kalapit lugar nito na diumano nagtatago si Senador Honasan, may katotohanan nga ba ito o pawang tsismis lamang? Ngunit sino nga ba si Honasan?
Si Gregorio “Gringo” Ballesteros Honansa II, mas kilalang Gringo Honasan ay isang Filipino ng Pulitiko na nagkaroon ng mahalagang papel sa 1986 EDSA Rebolusyon na nagpatalsik kay Ferdinand E. Marcos sa pwesto. Siya rin ang nagpasimuno ng kudeta labas sa administrasyong Aquino at nakulong. Pinagkalooban siya ng pangulong Fidel V. Ramos ng manestiya noong 1992 at pinasok ang mundo ng pulitika bilang isang Senador noong 1995.
Si Gringo Honasan ang Kris Aquino ng pulitika, biktima ng sariling kasikatan, kung hindi hinahangan ay sinisiraan. Biktima ng dagdag bawas noong 2001, nilaglag siya ng mga ninuno ni Virgillo Garcillano sa Mindanao na nagdulot sa pagnakaw sa kanya ng tatlong taong serbisyo na nagbigay kay Recto sa Senado.
Sa kasaysayan ng Pilipinas, si Honasan pa lamang at wala nang iba ang nanalong senador na Independiente, walang makinarya, walang watcher, walang party contribution o party propaganda, walang kakamping opisyal at walang sample ballot.
Inakusahan si Honasan na may partisipasyon umano ito sa OAKWOOD MUTINY sa Makati City noong taong 2003 Hulyo 27 kaya nagtago ang Senador.
Marami ang nagsabi na nagpalipat-lipat daw ito ng taguan noong mga panahon na iyon at malakas ang bulong-bulungan dito sa Bayang Munoz sa baryo ng Linglingay na narito nga raw si Senador Honasan.
Isa sa pinaniniwalaang nakakita kay Senador Honasan ay si Mang Bernie. Si Mang Bernie ay isang karpentero na may kasalukuyang ginagawang underground sa bahay ni Heneral Acosta sa itaas ng Bundok, mahigit tatlong buwan daw nagtagal ang Senador sa bahay ng Heneral. Matangkad, maputi, at gwapong lalaki ang deskripsyon ni Mang Bernie kay Honasan ngunit sinabihan daw ng heneral ang mga karpentero na walang lalabas sa lahat ng nakita nila sa loob ng bahay. (Ang pahayag na ito ay mula sa kaibigan ni Mang Bernie)
Taong 2007 lumutang si Gringo Honasan, kasabay nito ang National Election at kumandidatong Senador. Sa anking galing at talino nagtagumpay ito at kasalukuyang ginagawa niGrimgo Honasan ang kanyang reponsibilidad bilang isang mabuti at tapat na Senador sa ating bansa.
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento